Manila, Philippines – Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na maging ang mga product endorsements ng senatorial candidates ng may 13 midterm elections ay dapat ding baklasin o tanggalin.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon – kasama rin ang mga product endorsements sa mga hindi dapat ipinapaskil lalo at on-going na ang campaign period para sa mga national candidates.
Alam dapat aniya ng mga contractors na papasok sila sa panahon ng kampanya at nasa sa kanila na kung paano nila tatapusin o puputilin ang kontrata.
Diin pa ni Guanzon – ipinatutupad lamang nila ang campaign rules lalo at pinupuna ang poll body dahil sa kakulangan ng “pangil” sa pagpapatupad nito.
Nabatid na nagsimula nitong February 12 ang campaign period para sa mga tumatakbo sa pagka-senador at party-list groups at magtatapos ito sa May 11.