Productivity at Competitiveness ng mga local producers, dapat palakasin

Ipinanawagan ng isang ekonomista na dapat palakasin ng pamahalaan ang competitiveness at productivity ng mga local producer.

Sa interview ng RMN Manila kay Mr. Arthur M. Alvendia, miyembro ng BCYF Experts group, mahina ang competitiveness ng Pilipinas dahil ang mga industriya ay hindi nade-develop nang husto.

Aniya, may mga potensyal na industrya sa bansa na magpapa-angat ng ekonomiya ng bansa kabilang ang pag-utilized ng ating natural resources subalit nakadepende ang bansa sa service sector partikular sa pagpapadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa ibang bansa.


Payo ni Alvenidia sa pamahalaan na baguhin ang pamamaraan sa pag-manage ng ekonomiya dahil sa ngayon ay nakatuon tayo sa macroeconomics.

Hindi rin nakakatulong ang privatization ng ilang kumpanya.

Mahalagang gamitin ang pondo para suportahan ang mga lokal na magsasaka lalo na sa pagpapahusay ng kanilang kakayahan, teknolohiya atmismong organisasyon.

Layunin aniya nito na hindi na dumipende ang Pilipinas sa pag-aangkat ng bigas.

Facebook Comments