Produksiyon ng baboy, bumaba sa unang kwarter ng taon

47

Bumaba sa 25.8% o 421,794 metric tons (MT) ang produksiyon ng baboy sa unang kwarter ng taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 9.5 milyon ang total swine inventory nitong Abril na mababa sa 22.6% nitong nakaraang taon.


Pinayuhan naman ni Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork) President Rolando Tambago ang maraming swine farmers na magsara na ng negosyo bago pa sila maapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Facebook Comments