Pagbabakuna kontra COVID-19, balak gawing mandatory sa mga atleta

31

Planong gawing mandatory ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa mga atleta.

Ayon kay NCAA Management Committee member Peter Cayco, isinasapinal na ng kanilang legal team ang mga detalye upang mabakunahan ang mga atleta bago magsagawa ng face-to-face na laro.


Kaugnay nito, inaprubahan naman ng gobyenro ang pagbabakuna sa lahat ng atleta sa bansa kung saan prayoridad ang mga manlalaro na sasabak sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games (SEA) Games.

Magbubukas ang NCAA Season 96 sa darating na June 16.

Facebook Comments