PRODUKSIYON NG PALAY SA REGION 1 TUMAAS AYON SA D.A RO1; PRESYO NG BIGAS SA PAMILIHAN, BUMABA

Tumaas ngayon ang ani at kita ng mga magsasaka sa buong Ilocos Region ngayong taon, ayon sa pamunuan ng Department of Agriculture Regional Office 1 kahit na nasa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19 at limitado ang galaw ng bawat isa.

Sinabi ni DA Region 1 Director Nestor Domenden, ito ay bunga ng mga tulong na inputs o mga ibinigay na tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka sa rehiyon na layong mapataas pa ang kanilang ani at kita kahit pa sa gitna ng pandemya.

Ayon pa kay Domenden, dahil sa magandang produksyon ng mga magsasaka ay nasa 7.2 percent ang itinaas ng Harvest rate sa buong Ilocos Region dahil na din   sa programa at istilo ng bawat magsasaka.


Dagdag pa nito na dahil sa magandang rice production, umabot sa limampu hanggang animnapung piso kada 25 kilos ng bigas ang nababawas sa presyo nito sa ilang pamilihan sa rehiyon.

Ito ay katumbas naman ng aabot sa dalawang pisong bawas sa presyo nito sa retail price.

Facebook Comments