Produksyon ng abaka sa Pilipinas, tumaas pa ngayong taon

Tumaas pa ang produksyon ng abaka sa bansa mula Enero hanggang Abril ngayong taon matapos makarekober na ang Catanduanes at Mindanao dulot ng restriksyon dahil sa COVID-19.

Ang Catanduanes at Mindanao ang nangungunang producer ng natural fiber ng abaka sa bansa.

Batay sa datos ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFida), tumaas sa 1,990.88 metric tons ang produksyon mula sa 18,664.66 metric tons nakaraang taon.


Naniniwala naman si PhilFida Executive Director Kennedy Costale na muling sisigla ang produkson ng abaka sa bansa na nagsimulang bumagsak noong 2019.

Facebook Comments