PRODUKSYON NG ASIN SA ILOCOS REGION, TINUTUTUKAN; 74 MAG-AASIN SUMAILALIM SA ISANG PAGSASANAY

Sumailalim sa Solar Evaporation Technology gamit ang High Density PolyEthylene(HDPE) training ang mga mag-aasin sa Ilocos Region na pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Nasa 74 mag-aasin mula sa Pangasinan, La Union, Ilocos Norte at Ilocos Sur ang dumalo sa pagtitipon sa Balaoan, La Union. Layunin nito na mapataas ang produksyon ng asin sa rehiyon katuwang ang Don Mariano Marcos Memorial State University.
Sinabi ni Edwin Tolete, presidente ng Mag-aasin sa bayan ng Dasol ang naturang teknolohiya ay maaaring matutunan ng mga elementary students sa coastal community schools.

Ayon kay Andie John Tadeo ng DMMSU-FRTI, ang teknolohiya na gamit ng mga ito ay maaari nang iharvest ang asin matapos ang apat na araw mula sa HDPE lined ponds.
Matapos ang pagsasanay, tatanggap ang 74 mag-aasin salt-making materials na magagamit sa kanilang produksyon ng asin. |ifmnews
Facebook Comments