Produksyon ng baboy, bumaba ng 24% ayon sa PSA

Abot sa 9.72 million na buhay na baboy ang nawala sa suplay ng bansa, batay sa January 1,2020 data ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito’y matapos bumaba ng 24 percent ang produksyon ng baboy kung ikukumpara sa 12.80 million heads na naitala noong January 1 2020.

Batay sa datos,13.3 percent ang nawala sa backyard farms habang 41.8 percent naman sa commercial farms.


Pinakamalaking rehiyon na nawalan ng baboy ay ang Central Luzon na may 49.1 percent.

Ang Central Luzon ang dating pangunahing producers ng baboy na nakapag suplay ng 97.22 thousand metric tons ng liveweight noong fourth quarter ng 2019.

Sa ngayon, CALABARZON ang top producer ng baboy na sinusundan ng Northern Mindanao at Central Visayas.

Ayon pa sa PSA, ang farmgate price ng baboy ay nasa Php 98.82 per kilogram noong 2019.

Pero, pagsapit ng December 2020, tumaas ng Php 126.61 per kilogram ang liveweight.

Facebook Comments