Produksyon ng baka at kambing sa bansa, bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang produksyon ng kambing at baka nitong Abril hanggang Hunyo.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang cattle output ay bumaba ng 1.9% o 65,200 metric tons, kumpara sa 66,460 mt noong nakaraang taon.

Resulta ito ng pagbaba ng produksyon sa walong rehiyon sa bansa kung saan naitala ang pinakamababa sa Zamboanga Peninsula.


Ang goat output naman ay bumaba sa 17,590 mt kung saan naitala ang pinakamababang produksyon ay sa Soccsksargen.

Ang Northern Mindanao naman ang top producer ng baka habang Ilocos region naman para sa kambing.

Mula nitong Hulyo, ang kabuoang imbentaryo ng baka sa bansa ay aabot sa 2.56 million habang 3.83 million.

Facebook Comments