Ikinalugod ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 8.3% na pagtaas sa produksyon ng bangus sa bansa.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapag- produce ng halos 185,000 metric tons ng bangus ang buong bansa sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo 2021.
Ito’y mas mataas kumpara sa 170,755 metric tons sa kaparehong buwan noong taong 2020.
Nangunguna ang Central Luzon sa may pinakamaraming na produce na bangus sa buong bansa sa bilang na 55,740.14 metric tons habang kasunod nito ang Ilocos Region 47,552.54 metric tons at Western Visayas 44,687.32 metric tons.
Dumami rin sa ikatlong hati ng taong 2021 ang produksyon ng bangus fry kung saan pumalo na sa 1.08 bilyong piraso ng semilya ang nalikom ng nasabing industriya sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre.