Patuloy ang ginagawang pagsusulong ni 2nd Dist. Representative Cojuangco sa produksyon ng Golden Rice sa lalawigan ng Pangasinan.
Matatandaan na unang quarter ng kasalukuyang taon na dinala na sa bayan ng Mangatarem ang produksyon ng Malusog Rice o ang Golden Rice at sinisikap na magkaroon pa ng produksyon sa ibang bayan at lungsod ng lalawigan.
Pangunahing layunin nito ang solusyon sa pangkalusugan hanay dahil may kakayahan itong matugunan ang Vitamin A Deficiency sa mga kabataan.
Samantala, alinsunod dito ay tiniyak ng tanggapan ng ikalawang kongresista ng Pangasinan ang patuloy na pakikipagtulungan at pakikipag ugnayan sa Philippine Rice Research Institute o PRRI upang magtuloy tuloy din ang pagpapayabong sa produksyon ng Golden rice. |ifmnews
Facebook Comments