Tuesday, February 3, 2026

Produksyon ng isda sa Pilipinas, bumagsak; pinakamababa sa 21 taon

Bumaba ang porsyento ng produksyon ng isda sa bansa sa taong 2025.

Kung saan naitala sa 2.51 percent o halos apat na milyong tonelada kung saan ito na rin ang pinakamababang record mula 2004.

Ayon sa Vice President ng grupong Oceana na si Von Hernandez na ang dahilan sa tuloy-tuloy na pagbaba ng produksyon ng isda ay dahil sa kakulangan sa pagpapatupad ng batas gaya ng Fisheries Code at mahinang pamumuno ng mga ahensya.

Isa sa mga itinuturong na problema ng grupo ang hindi paglalabas ng datos mula sa vessel monitoring system ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resoruces (BFAR) kahit na mahigit 90 percent sa mga commercial boats ay may VMS na.

Kaugnay nito, tatlo sa apat na subsector ng pangingisda ang bumaba kabilang diyan ang aquaculture na kalahati ng kabuuang produksyon habang tanging inland municipal fisheries ang tumaas.

Samantala, matatandaang bumaba rin ang produksyon ng isda noong 2024 kung saan umabot sa mahigit 4 million metric tons ang kabuuang produksyon ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Facebook Comments