Produksyon ng Malampaya gas field, magpapatuloy

Tuloy ang produksyon ng Malampaya gas field matapos na pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Renewal Agreement para sa Malampaya Service Contract No. 38 o SC 38 sa Malakanyang ngayong umaga.

Batay sa pinirmahang kontrata, panibagong 15 taon ang Malampaya Service Contract No. 38 o SC 38 o hanggang Ferbuary 22, 2039, mapapaso na kasi ang 25 years contract sa February 22, 2024.

Ayon sa Department of Energy, ang pinirmahang kontrata ng pangulo ay titiyak na maipagpapatuloy ang exploration at paggamit ng Malampaya gas field na magsisilbing karagdagang reserba na makakatulong sa pagkakaroon ng energy security.


Bukod sa patuloy na production operation, nakapaloob din sa SC 38 consortium ang pagsasagawa ng minimum work program gaya ng geological at geophysical studies maging drilling sa panahon ng Sub-Phase 1 mula 2024 hanggang 2029.

Kailangan din ay gawin ang exploratory drilling malayo mula sa Malampaya production area para mapanatili ang exploration areas.

Inaasahan naman sa Renewal Agreement na ito na magbibigay ito ng oportunidad para sa exploration sa bansa lalo na ang mga nanatiling underexplored at dadagdag sa energy portfolio ng bansa.

Facebook Comments