Produksyon ng palay, inaasahang lalago ngayong taon

Manila, Philippines – Inaasahang aangat muli ang produksyon ng palay ngayong taon.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol – tinatayang aabot sa 20 milyong metrikong toneladang bigas ang magagawa.’

Aniya, maraming magsasaka na kasi ang gumagamit ng inbred at hybrid seeds, mula sa dating 48% ay naging 60% na.


Kinontra rin ng kalihim na ang pahayag ng isang kolumnista sa diyaryo na namamatay na ang sektor ng agrikultura.

Sagot ni Piñol, hangga’t mayroong Pilipinong kumakain, mananatili ang mga magsasaka at mangingisda.

Kasabay nito, inaasahang magiging ganap na batas din ngayong taon ang rice tariffication bill kung saan luluwagan ang panuntunan sa pag-aangkat ng bigas habang ang taripa ay makatutulong sa mga domestic rice farmers sa pamamagitan ng 10 billion peso rice competitiveness enhancement fund.

Facebook Comments