MANILA – Bumaba ang produksyon ng palay sa bansa, hindi kasi aabot sa 18 milyong tonelada ng palay ang maaani ngayong 2016.Ayon sa Department of Agriculture, mas mababa sa kanilang inaasahan ang produksyon ng palay na aabot lang sa 17 milyong tonelada.Ito na ang pinakamababang produksyon sa nakalipas na tatlong taon.Paliwanag ni Agriculture Secretary Manny Piñol, dahil ito sa naranasang el niño at sunud-sunod na mga bagyo.Kaya para hindi maapektuhan ang supply ng bigas sa merkado, muling mag-aangkat ang National Food Authority (NFA) ng 250 thousand na toneladang bigas sa veitnam at thailand.Sa kabila nito, positibo pa rin ang agriculture department, na hindi madidiskaril ang programa ng administrasyon na maging self sufficient sa bigas ang bansa.At para maabot ito, mas palalakihin nila ang produksyon ng bigas sa mindanao na hindi madalas daanan ng bagyo.
Produksyon Ng Palay Ngayong Taon, Bumaba – Malakanyang, Tiniyak Na Walang Pagtaas Sa Presyo Ng Bigas
Facebook Comments