PRODUKSYON NG TALABA SA DAGUPANCITY, PALALAGUHIN

Palalaguin ang produksyon ng talaba sa Dagupan City ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang Department of Labor and Employment o DOLE at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa pamamagitan ng personal na pagpapaabot ng tulong sa mga oyster farmers o magtatalaba sa siyudad.
Aprubado na ng DOLE ang request ng alkalde na isang Livelihood Equipment na naglalayong mas mapayaman at mapaganda pa ang produksyon ng hanapbuhay nilang pagtatalaba.
Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng kanilang kikitaing pera sa pamamagitan ng “talabaan” na makatutulong sa mga oyster farmers maging sa kani-kanilang mga pamilya.

Samantala, uumpisahan na ang profiling ng mga nasa walumpu o 80 na oyster farmers sa mga kakailanganing aksyon o dokumento upang maging benepisyaryo na ng nasabing equipment. |ifmnews
Facebook Comments