Tuesday, March 24, 2026

PRODUKTO NG MGA LOKAL NA MAGSASAKA, BIDA SA FARMERS CENTER KADIWA MARKET SA URDANETA CITY

Bida ang mga produkto ng lokal na magsasaka sa binuksang Farmers Center Kadiwa Market sa Urdaneta City.

Pormal na inilunsad ang nasabing pamilihan bilang bahagi ng hakbang ng lokal na pamahalaan upang suportahan ang sektor ng agrikultura at mapalakas ang seguridad sa pagkain sa komunidad.

Layunin ng proyekto na mailapit sa mamamayan ang sariwa at abot-kayang produktong agrikultural habang binibigyan ng mas direktang pamilihan ang mga lokal na magsasaka.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapapalakas ang kita ng mga magsasaka at masisiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng lokal na ani sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments