
Cauayan City – Pitong katao ang nasawi matapos bumagsak ang isang military helicopter sa Qatar, ayon sa mga awtoridad.
Natagpuan ang lahat ng bangkay matapos ang insidente na naganap sa territorial waters ng bansa nitong Linggo.
Batay sa paunang ulat, sanhi umano ng “technical malfunction” ang pagbagsak ng helicopter habang ito ay nagsasagawa ng training exercise. Kabilang sa mga sakay ang apat na sundalong Qatari, isang Turkish serviceman, at dalawang technician mula sa Aselsan.
Ayon sa Ministry of Interior Qatar, agad na na-recover ang mga labi ng mga biktima at nagpahayag sila ng pakikiramay sa mga naulila.
Samantala, kinumpirma ng defense ministry ng Turkey na bahagi ng joint training ng Qatar-Turkey forces ang naturang operasyon.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang eksaktong sanhi ng aksidente.
Nangyari ang insidente kasabay ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan dahil sa nagpapatuloy na sagupaan na kinasasangkutan ng Iran, Israel, at United States.
Photo credit: AL JAZEERA










