Isang documentary film ang nakatanggap ng parangal bilang Best International Documentary Film sa Fresh International Film Festival sa Limerick, Ireland. Pinagbibidahan ito ng ating mga young filmmakers mula sa Alaminos City National High School. Ito ang “Sa Layag ng Bangkang Paurong” (The Boats that Sail Backwards).
Produkto ito ng POPCOM-I’s 4th Adolescent Health and Development (AHD) Film Festival noong 2019 na may temang, “The Youth and the Demographic Transition.” Ang pagsasapelikula ay paraan upang ipakita ang kalagayan at demographic issues ng mga kabataang studyante na pumapalaot upang masuporatahan ang pag aaral at pamilya sa Hundred Islands bilang bangkero.
Ayon kay Dr. Raquel Rangrang-Rivera, couch at founder ng Layag Production ng Alaminos City National High School otsentay siete(87) sa kanila ay bangkero at drop outs na mas piniling magtrabaho.
Kahangahanga talaga ang narating ng documentary film na ito dahil sa paghakot ng pagkilala sa International film activities gaya ng bansang USA, Istanbul Turkey, Indonesia , Ukraine, Bangladesh at Japan.