Isabela – Bibilhin na ng NFA buying station dito sa lalawigan ng Isabela ang produktong palay ng mga magsasaka sa presyong php24:90.
Ito ang mariing ipinahayag ni Ginoong Romy Santos, ang media consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Aniya, ang halagang php24.90 kada kilo sa produktong palay ay isang malaking tulong umano sa lahat ng magsasaka sa probinsya ng Isabela.
Paliwanag pa ni ginoong Santos na sa nasabing presyo ay may idinagdag umano si Governor Faustino “Bojie” Dy III, Vice Governor Antonio “Tonypet” Albano at si Congressman Rodito Albano ng ika-tatlong distrito ng Isabela.
Ito ay ang tinawag umano na support price na umaabot sa php4:50 para sa clean at dry na palay kung saan lahat na umano ng NFA buying station ay bukas para sa mga magsasakang magbebenta ng kanilang produkto.
Matatandaan na ang dating presyo ng NFA sa pagbili ng palay ay nasa php20:40.
Samantala, ang presyo umano ng mais ay wala pang pagbabago kung saan ay nasa php13-14 pesos kung sariwa habang php17 pesos parin sa dry na mais.