Malapit nang maibenta ang mga produktong pinya at mangga ng Pilipinas sa merkado ng Estados Unidos.
Ito ay matapos magkasundo ang Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) at United States Department of Agriculture-Animal and Plant Health Inspection Service (USDA-APHIS) sa mga problemang kinaharap noon.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang pagpapalawig ng export ng produkto ay makakatulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya at makakapagbigay ng hanapbuhay sa libo-libo na magsasaka sa bansa.
Inaasahan naman na mangyayari ang pag-export ng mga prutas bago matapos ang taon.
Facebook Comments