Profiling ng DepEd sa mga guro na miyembro na ACT, kinondena ng Makabayan bloc

Kinondena ng Makabayan bloc ang utos ng Department of Education (DepEd) na pagbusisi sa mga guro na konektado sa Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Sa memorandum ng DepEd, inatasan nito ang mga regional director at school division superintendent na magsumite ng listahan ng mga guro na miyembro ng ACT at nag-a-avail ng Automatic Payroll Deduction System.

Hindi naman nakasaad sa memorandum kung saan gagamitin ang nasabing impormasyon.


Pero, naniniwala ang ACT na may kaugnayan ito kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na tumatayo ring co-chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Nabatid na pangunahing layunin ng NTF-ELCAC ang pagbuwag sa mga progresibong organisasyon sa bansa.

Abril nang magsampa ng reklamo ang ACT sa International Labour Organization ng United Nations dahil sa umano’y pangre-red-tag sa kanila ni VP Sara.

Facebook Comments