PROFILING NG I-RISE, ISASAGAWA SA LUNGSOD NG CAUAYAN

CAUAYAN CITY- Magkakaroon ng profiling ang Cauayan City-Public Employment Service Office para sa Isabela Recovery Initiatives to Support Enterprise (I-RISE).

Kabilang sa mga manggagawa na maaaring sumasali ay ang Enterprising PWD, Vulcanizer, Welder, nag-aayos ng sapatos, watch technician, gumagawa ng susi, gumagawa ng payong, taga-hasa ng kutsilyo, at mananahi.

Ito ay isasagawa sa ika-30 ng Setyembre mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon sa PESO Office, Cauayan City.


Facebook Comments