Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na hindi nito papahintulutan ang “profiling” sa hanay ng mga kandidato sa Sangguniang Kabataan o SK Elections.
Sinabi ito ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sa pagbusisi ng House Committee on Appropriationssa mahigit 27-billion pesos na panukalang budget para sa poll body sa susunod na taon.
Tugon ito ni Chairman Garcia sa inihayag ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na magbibigay umano ng pabuya si National Youth Commission Chairperson Ronald Cardema sa makapagtuturo ng “recruiters” sa hanay ng SK candidates.
Binanggit naman ni Garcia na iimbestigahan ng COMELEC ang sinabi ni Manuel na may ipinakalat umanong profiling forms ang Philippine National Police (PNP) sa ilang lugar sa Iloilo at Antique.
Narito ang bahagi ng mga pahayag nina Representative Raoul Manuel at COMELEC Chairman Garcia sa budget hearing ng Kamara.