Profiling sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga POGO, ikinasa ng DOLE

Nagsasagawa na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng profiling sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ay upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga manggagawa na posibleng mawalan ng trabaho kapag tuluyang magsara ang operasyon ng mga POGO sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, bukod sa temporary employment assistance gaya ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/ Displaced Workers Program, maaari rin silang sumailalim sa job facilitation at upskilling sa tulong naman ng TESDA.


“Sa amin pong datos, humigit-kumulang 20,000 ang mga Filipino worker na pwedeng maapektuhan kung tuluyang magsasara itong operations ng POGO sa ating bansa,” ani Laguesma sa interview ng RMN DZXL 558.

“Lagi po namang nakaantabay ang DOLE sa ganitong klaseng sitwasyon, whatever be the reason ng displacement o closure ng operasyon ng anumang kompanya po, para naman makatulong tayo sa ating mga manggagawa,” dagdag ng opisyal.

Facebook Comments