Road closure, ipatutupad sa Parañaque kaugnay ng LRT-1 Cavite extension project

Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Parañaque City para bigyang daan ang kontruksyon ng LRT-1 Cavite extension project.

Kabilang sa isasara ang Manila – Cavite Toll Expressway (CAVITEX) Parañaque Bridge mula alas-7:00 hanggang alas-11:00 ng umaga ng October 15 para sa finishing work.

Habang isang buwan din na isasara hanggang sa November 10 mula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ang northbound lane ng Imelda Bridge papuntang Barangay La Huerta at Barangay Sto. Niño sa Parañaque City.


Ito ay para bigyang daan naman ang paglalagay ng concrete plinths at pedestals sa lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista planuhin ang kanilang biyahe at dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maipit sa inaasahang daloy ng trapiko sa mga nabanggit na lugar

Ang LRT-1 Cavite extension project ay may walong karagdagang istasyon mula Baclaran hanggang Bacoor City sa Cavite.



Facebook Comments