Programa na BISAYA GYUD, umarangkada na sa DZXL 558

Umarangkada na ang kanilang weekly program na BISAYA GYUD sa DZXL 558.

Ito ay co-produce ng Radio Mindanao Network at ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na siya rin Anchor ng programa.

Umere ang pilot episode ng BISAYA GYUD noong January 4, 2020.


Ang programa ay isang public service at entertainment program na mapakikinggan tuwing Sabado, alas 11 hanggang alas 11:30 ng umaga.

Ito ay tumatalakay sa mga problema at pangangailangang medical at pinansyal ng mga kapatid na Bisaya at mga OFWs.

Makakatuwang naman sa mga concerns ng mga kababayang Bisaya at OFWs ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at Malasakit Centers.

Bukod sa tulong ay mapakikinggan din dito ang mga awiting Bisaya at mga istorya ng tagumpay.

Mapapanood din ang programa sa facebook na RMN DZXL 558 Manila, Youtube – DZXL 558 livestreaming at sa Bisaya Gyud Facebook page.

Facebook Comments