Programa laban sa malnutrisyon, inilunsad ng Taguig City

Bilang bahagi ng patuloy na pakikipaglaban ng lokal na pamahalaan ng Taguig kontra COVID-19 ay nagsagawa ng Operation Timbang Plus ang Taguig City Health Office.

Ito ay ikinasa sa 31 barangay at health centers sa lungsod katuwang ang Department of Health (DOH) bilang bahagi ng pagsugpo ng malnutrisyon sa bansa.

Layunin ng programa na alamin ang nutritional status ng mga bata na bagong silang hanggang sa ika-59 na buwan o bago maglimang taong gulang upang matukoy kung sino-sino, ilan ang kabuuang bilang at lokasyon ng mga batang kulang sa timbang.


Kinukuha rin ang Mid-Upper Arm Circumference o sukat ng braso sa mga batang anim na buwan hanggang apat na taong gulang.

Kasabay rin nito ang pagsuri ng kanilang paa kung may presensya ng pamamanas.

Ang mga batang ito ay binigyan din ng deworming tablet para sa pagpapapurga at Vitamin A upang mapalakas ang kanilang resistensya.

Facebook Comments