Programa ng gobyerno kontra 5-6…ilulunsad na ng Dept. of Trade and Industry

Manila, Philippines – Ilulunsad ng Dept. of Trade and Industry(DTI) ang isang lending program para sa mga maliliit na negosyante at pantapatvsa pautang na 5-6.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez – ito’y tatawagingpondo sa pagbabago at pag-asenso o P3.

Aniya, kung ang 5-6 ay may karaniwang interes na 20-porsyentovkada linggo o buwan ang P3 ay may 2.5 percent lamang.


Sa ilalim ng small business corporation ng DTI, pwedengvmangutang ng 5,000 pesos hanggang 100,000 pesos na walang kolateral.

Sinabi naman ni DTI Usec. Zenaida Maglaya – savpamamagitan ng programa, umaasa silang maiiwasan ang pagpunta ng mga maliliit na negosyante sa mga 5-6.

Isang bilyong piso ang inilaang pondo para sa programa.

Facebook Comments