Programa para maisulong ang pagpapakilala sa mga magagandang tourist destination sa Pilipinas, pinag-aaralan na ng DOT

 

Pinag-aaralan na ng Department of Tourism (DOT) kung paano maipapakilala ang ilang mga magagandang tourist destination sa bansa.

Kung maaalala, target ng Department of Tourism na maabot ang P1.5 trillion na kita sa domestic tourism ngayong taon.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ginagawa nila ang lahat ng paraan maipakilala ang mga tagong lugar o ‘yung mga hindi gaano napupuntahang mga isla sa bansa.


Inaasahan kasi na mas lalong dadami pa ang local tourists sa bawat lugar kung mas maipapakalat sa mga turista ang mga larawan na makapanghihikayat para puntahan ito.

Samantala, sa datos ng ahensya ang mga lugar na kalimitan pa ring pinupuntahan ng mga local tourist ay ang Batangas, Palawan, Boracay, Cebu, Siargao at Metro Manila.

Facebook Comments