*Cauayan City, Isabela*- Hihilingin ngayon ng Commission on Population Region 2 (POPCOM) sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan na bumuo ng proyekto para sa kanilang mga kapwa kabataan para ituon ang sarili at makaiwas sa posibleng maagang pagbubuntis.
Kasabay ito ng pagtaas ng bilang ng mga teenage pregnancy sa bansa lalo na ang edad 10 hanggang 14 na maagang namulat sa sexual contact.
Ayon POPCOM Regional Director Herita Macarubbo, ito ay upang mabigyan ng pansin ang ilang mga kabataan sa posibleng pagbubuntis na wala sa tamang edad at sapat na kaalaman ukol dito.
Hinalimbawa pa nito na nagiging sentro ng aktibidad ng mga SK Chairperson ay ang Liga ng mga Basketball kaya inaasahan na makabubuo ang mga ito ng proyekto na angkop sa usapin ng maagang pagbubuntis.
Tatalakayin naman ang ilang hakbang sa isasagawang Regional Development Council dahil nababala na ang ahensya sa patuloy na pagdami ng mga kabataan na early pregnancy sa bansa.