Lingayen Pangasinan – Sa pagdalas ng mga nararanasang pag-ulan tuwing hapon at gabi sa iba’t ibang parte ng bansa naghahanda na ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) para sa maaaring pagpasok na ng week of habagat.
Nitong linggo inilunsad ng PDRRMC ang Ligtas at Aktibong Pamayanan Program na naglalayong magbigay ng basic at advance training para sa mga barangay leaders at mga residente pagdating sa basic life support, hazard mapping at iba pang dapat matutunan sa pag-rescue sa panahon ng kalamidad o sakuna.
Kamakailan din ay muling nagsagawa ng training ang nasabing ahensiya kung saan ay nag-back to basic sila sa search and rescue operation trainings. Parte nito ang pag-kondisyon at sinigurong functional ang kanilang mga rescue vehicles and equipment.
Samantala ay nakahanda narin ang kanilang mga monitoring devices sa Agno River System. Nakikipag-ugnayan narin sila sa pamunuan ng mga dam para sa monitoring ng water reservoir at mga residenteng nasa flood prone areas sa lalawigan upang siguruhin ang kanilang kaligtasan.