Programang “Adopt Don’t Shop” muling inilunsad sa Muntinlupa

Office of the City Veterinarian, Muntinlupa City

Muling inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang programa nitong “Adopt Don’t Shop.”

Layon ng programa na hikayatin ang mga residente nito na mag-ampon ng aso sa halip na bumili.

Sa ilalim nito ay libreng ipa-aampon ng Local Government Unit (LGU) ang mga alagang aso na nangangailangan ng bagong tahanan at amo.


Samantala, sa abiso ng Muntinlupa Veterinary Office, pwedeng masilayan ang mga alagang aso sa 4th floor Annex Building City Hall, Lunes hanggang Biyernes mula alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon.

Pwede ring makita ang larawan ng mga ito sa Facebook page ng Muntinlupa LGU.

Sampung aso ang target na maipaampon ng lungsod na kinabibilangan ng German Shepherd, German Malinois, at iba.

Facebook Comments