Programang Duyog Marawi, inilunsad ng simbahang katoliko

Manila, Philippines – Inilunsad ngayong araw ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASA) ang Programang Duyog Marawi na layong tulungan ang Lungsod sa pagbangon.

Ang paglulunsad ng programa ay pinangunahan nina Marawi Bishop Edwin Dela Peña at CBCP-NASSA Executive Director Fr. Edwin Gariguez.

Sa ilalim ng programa, tutulong ang Simbahang Katolika sa rehabilitasyon ng 13 komunidad sa Marawi.


Paliwanag ni Gariguez, ang Duyog Marawi ay isang “Adopt a community Program” kung saan umapela sila sa iba pang mga Diocese para mag-adopt ng komunidad sa Marawi at tumulong sa Peace-Building Effort.

Sinabi naman ni Bishop Dela Peña na ang programang ito ay patunay umano na ang presensya ng Simbahang Katolika sa Marawi ay maituturing na “Reconciling.”

Ang pahayag ng obispo ay kasabay ng kanyang pasasalamat sa pagkakaligtas kay Fr. Chito Soganub na mahigit tatlong buwan na binihag ng ISIS-Maute Group.

Facebook Comments