CAFGU, dinukot ng NPA sa Occidental Mindoro

Manila, Philippines – Isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographicql unit o CAFGU ang dinukot ng mga miyembro ng New People’s Army sa Sitio Landing Pinagturilan Sta Cruz Occidental Mindoro.

Kinilala ang tinangay na CAFGU na si Jonathan Manlabao.

Ayon kay Captain Melchor Durante ang tagapagsalita ng 2nd Infantry Division ng Phil Army, alas 6:30 ng gabi kagabi habang kumakain ang mag anak ni Manlabao, lima hanggang sampung mga armadong miyembro ng NPA ang pumasok sa bahay ng biktima at sya ay sapilitang tinangay.


Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng military laban sa mga rebeldeng tumangay sa biktima.

Tinawag naman desperado ni Major General Rhoderick M Parayno, ang Commander ng 2nd Infantry Division,ang mga NPA dahil sa pangyayaring ito.

Panawagan naman ni Parayno sa publiko huwag magpapasindak sa mga rebelde.

Facebook Comments