Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang kanilang programang ‘End Drowning Now’ na may layong makamit ang pagiging isang ‘drowning free municipality’ o ang hindi makapagtala ng kaso ng pagkalunod sa nasabing bayan.
Kasabay nito ang pakikiisa ng bayan sa taunang National Disaster Resilience Month na may layon ding magkaroon ang iba’t-ibang lungsod at munisipalidad ng mga hakbanging magpapalakas at mapairal ang epektibong programa ukol sa Disaster Risk Reduction Management.
Ilang mga pagsasanay at aktibidad na nakapaloob sa programang end drowning now ay magaganap upang matiyak ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan pagdating sa mga pagkalunod o mga kaugnay pa nitong suliranin.
Binigyang diin ng alkalde ang kahalagahan ng mga pakikiisa at pakikipag-ugnayan sa mga sektor at hanay sa buong bisinidad ng munisipalidad upang mas masunod ang pagiging isang matatag na komunidad.
Kabilang din sa naganap na aktibidad ang pagbahagi ng 2025 agenda na kung saan ang risk governance umano sa bayan ng San Nicolas ay ganap nang napalakas, gayundin ang pagresponde ng bawat residente sa iba’t-ibang kalamidad. |ifmnews
Facebook Comments