Natapos na ang programang Kalikasan Karaban Para sa Kababaihan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office.
Ang nasabing programa ay inumpisahan noong buwan ng Marso bilang parte sa selebrasyon ng women’s month.
Aabot naman 441 barangay at 2, 414 na kababaihan ang lumahok sa nasabing aktibidad na dumalaw sa tatlumpu’t isang bayan sa Pangasinan.
Samantala, ang KKPK ay nakakolekta ng 91,268 kilo ng mga recyclable plastic waste sa mga bayan na siyang gagawing eco bricks na maaaring mapakinabangan ng mga Pangasinense.
Facebook Comments