Hindi na maibabalik ang libreng sakay program ng Department of Transportation o DOTr.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime “Jimmy” Bautista na malaki ang ginastos ng pamahalaan sa nasabing programa.
Umabot aniya sa mahigit P7-bilyon ang ginastos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa libreng sakay program sa buong bansa mula Abril hanggang Hunyo.
Dagdag pa ni Bautista, ang tiyak lang na mananatili sa libreng sakay ang EDSA Carousel na magtatagal hanggang sa katapusan ng Disyembre ng kasalukuyang taon.
Sinabi ng kalihim na aabot sa P1.4-bilyon ang kailangan ng gobyerno para mapondohan ang pagpapalawig ng libreng sakay sa EDSA Carousel.
Pero, pinag-aaralan na ng DOTr kung mas makakatipid kapag ang pamahalaan na ang magpapatakbo nito sa halip na ikontrata sa mga bus company.