Programang libreng sakay ng pamahalaan, magpapatuloy pa rin kahit magpalit ng administrasyon – LTFRB

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpapatuloy pa rin ang programang “libreng sakay” kahit matapos na ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nakalaan na ang pitong bilyong pisong pondo para sa Service Contracting Program.

Dahil dito, inaasahan aniyang magpapatuloy pa ang programa kahit magpalit ng administrasyon hanggang sa maubos na ang pondo para dito.


Sa ilalim ng Service Contracting Program, magbibigay ng libreng sakay ang Public Utility Vehicle (PUV) drivers at lingguhan silang makakatanggap ng insentibo mula sa gobyerno.

Sa kabila nito, sinabi ni Delgra na posibleng mas mapaaga ang pagtatapos ng programa lalo na’t ipinatutupad ito sa 15 na rehiyon sa bansa.

Facebook Comments