ttInihain ni Pinuno Party-list Rep. Howard Guintu ang House Bill 3194 o panukalang pabahay para sa government nurses sa Pilipinas.
Tiwala si Guinto na ang “Nurses Housing Program” ay makakatulong upang mahimok sila na manatili sa ating bansa at huwag nang magtrabaho sa abroad.
Giit ni Guinto, mahalaga ang papel ng mga nurse dahil hindi lamang sila nagta-trabaho sa mga ospital o klinika, kundi pati sa mga opisina, paaralan, home health care, senior living facilities at iba pa.
Sabi ni Guinto, bukod dito ay katuwang din ang mga nurse sa pagsusulong ng “health and wellness” para sa mamamayan.
Sa ilalim ng panukala ni Guinto, ay magkakaroon ng mandato para sa implementasyon at pagtustos sa naturang pabahay ang National Housing Authority o NHA, National Home Mortgage Finance Corporation, Home Guaranty Corporation at Government Service Insurance System.
Pinatitiyak naman sa panukala ang tamang koleksyon ng “amortization payments” sa housing loan sa pamamagitan ng salary deduction scheme.