433 mananaya sa lotto, wagi ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55

175

Paghahatian ng mahigit 400 mananaya sa lotto ang P236,091,188.40 na jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 sa bola nitong Sabado.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), 433 lotto bettors ang nakakuha sa winning combination na 09-45-36-27-18-54.

Ibig sabihin, bawat isa ay panalo ng P545,245.24.


Wala namang nakakuha jackpot prize sa Grand Lotto 6/45 na umaabot na sa P24,908,649.60.

Ang winning combination ay 37-42-14-09-13-04.

Facebook Comments