Sa budget hearing ng Senado ay kinuwestyon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang programang pabahay para sa mga sundalo at pulis.
Paliwanag ni Recto, ang mga sundalo at pulis ay nasa formal sector at may sweldo kaya dapat ay pina-uutang sila sa PAG-IBIG Fund para magkabahay at hindi na dapat saklawin ng National Housing Authority o NHA.
Diin ni Recto, ang dapat lamang iginagawa ng bahay ng NHA ay ang mga mahihirap katulad ng mga nakatira sa estero o mga informal settlers at walang sweldo.
Ang NHA ay humihingi ng 26-billion pesos para sa housing program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) pero hindi inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).
Samantala, sa budget hearing ay sinabi naman ni NHA General Manager Marcelino Escalada na nasa 6.5-milyon ang housing bakclog sa pabahay para sa public-private sector at 30% nito o 1.8-milyon ang para sa informal sector.