Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga programa at proyektong sumusporta sa kapakanang pangkalusugan ng mga Dagupeno.
Kamakailan lamang ay matagumpay na naisagawa ang medical mission kung saan halos isang libong mga Dagupeñong Kabataan at Senior Citizens ay nabenipisyuhan ng mga serbisyong medikal tulad ng Minor Operation, Circumcision, Medical Consultation tulad ng; laboratory tests na blood sugar, cholesterol, blood uric acid, hemoglobin and blood typing; pneumococcal vaccine; at mga X-ray services.
Sumailalim din sa eye screening ang mga seniors ng lungsod na nakararanas ng cataract o katarata at kung magkaroon ng Cardiopulmonary (CP) clearance ay maaaring mapabilang sa mga ooperahan na magaganap naman umano sa darating na buwan ng Agosto.
Inilunsad na rin ang bivalent covid19 booster shot na inilalaan para sa mga senior citizen at mga health frontliner o mga health workers.
Personal ding isinasagawa ng home visit ng alkalde ng lungsod lalo na ang mga indigent na mga Dagupeño upang tunguhin at alamin ang ilan sa kanilang pangkalusugang suliranin at mabigyan ng nararapat na solusyon o tulong kaugnay sa mga ito.
Gayundin ang pakikiisa ng lungsod sa Nutrition Month at ang paghikayat sa mga Dagupeños na panatilihin ang pagkain ng masusustansya nang makamit ang malusog na pangangatawan.
Umaarangkada rin ang paglunsad sa mga bara-barangay ng programang Dagupan City Urban Community Garden na may layong makapagbigay sa mga residente ng mga masusustansyang tanim upang masugpo ang kaso ng malnutrisyon at pagkabansot sa mga bata at alinsunod din nito ay ang pagtiyak ng food security sa mga komunidad. |ifmnews
Facebook Comments