Progreso ng Angadan, Isabela, Ibinida ni Vice Mayor Dong Siquian!

*Angadanan, Isabela- *Masayang ibinihagi ni Vice Mayor Diosdado “Dong” Siquian ng Angadanan, Isabela ang ilan sa mga proyekto na kanilang isinasagawa para sa naturang bayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Vice Mayor Dong Siquian, bilang Vice-mayor’s League dito sa lalawigan ng Isabela, abala umano sila sa kanilang mga proyekto gaya ng pagsasa-ayos sa mga sira-sirang daan at sa mga tulay sa tulong narin ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III.

Aniya, target umano nilang matapos ang Pigalo Bridge na pinondohan ng Pamahalaan nitong buwan ng Oktubre na dapat matatapos sa susunod na taon.


Bukod pa rito ay kasalukuyan na rin umano ang pagpapatayo sa kanilang bagong Pamiliihan na pakikinabangan ng limampu’t siyam na barangay na sakop ng nasabing bayan.

Samantala, Isa rin umano sa kanilang mga tinutukang ipinapatupad na ordinansa ay ang pagbabawal na pag-aalaga ng maraming baboy sa Poblacion.

Facebook Comments