Tapatang Pacquiao vs. Matthysse, Inaabangan Na!

*Cauayan City, Isabela- *Sabik na ang lahat lalo na sa mga Pacquiao funs para sa gaganaping Pacquiao vs. Matthysse fight bukas sa Axiata Arena, Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginang Emma Alvarez, isang OFW sa bansang Malaysia, marami na umano ang mga nag-aabang para sa paghaharap nina dating World Boxing Champion Manny Pacquiao at Argentinian fighter na si Lucas Matthysse.

Marami na rin umano ang mga naglalakihang billboards ng Pacquiao vs. Matthysse fight na nakakabit sa iba’t-ibang bahagi ng naturang bansa kung saan ramdam na umano ang paghaharap ng dalawang boxing fighter.


Ayon pa kay ginang Alvarez na ito na umano ang pinakamalaking laban na magaganap sa bansang Malaysia sa larangan ng boksing matapos ang mahigit apatnapung taon na laban nina Muhammad Ali at Joe Bugner noong taong 1975.

Samantala, Nitong ika-labing dalawa ng Hulyo ay nakipagkita ang ating Pambansang kamao kay Malaysian Prime Minister Tun Dr. Mahathir Mohamad bilang kanyang kaarawan at niregaluhan nya ito ng kanyang boxing gloves.

Nakatakda ring makipagkita si Pangulong Duterte kay Prime Minister Mahathir Mohamad pagkatapos ng laban ni World Boxing Champion Pacquiao kontra kay Argentinian fighter Lucas Matthysse.

Facebook Comments