Progressive expansion ng face-to-face classes, mahalagang hakbang tungo sa pagbangon ng sektor ng edukasyon

Suportado ni Committee on Basic Education Chairman Senador Win Gatchalian ang unti-unting pagpapalawak sa limitadong face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at Alert Level 2.

Tiwala si Gatchalian na mahalagang hakbang ito tungo sa muling pagbangon ng sektor ng edukasyon at sa pagbabalik ng mas maraming mga kabataan sa kanilang mga paaralan.

Pahayag ito ni Gatchalian, matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na palawigin ang face-to-face classes na lalahukan lamang ng mga bakunadong guro at non-teaching staff.


Ikinatuwa rin ni Gatchalin ang report ng DepEd na walang naitalang kaso ng COVID-19 sa 287 na mga paaralan at 15,000 mga mag-aaral na lumahok sa pilot run ng limited face-to-face classes

Kaugnay nito ay iginiit ni Gatchalian na mahalagang susunod na hakbang ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 5 hanggang 11 dahil nananatiling prayoridad ang pagbibigay ng proteksyon sa mga mag-aaral.

Facebook Comments