Motor rider patay matapos bumangga sa pader ang sinasakyang motorsiklo

28
Altavas, Aklan – Dead on arrival sa Altavas District Hospital ang isang motor rider matapos na bumangga sa pader ang sinasakyan nitong motorsiklo kahapon ng hapon sa Brgy. Odiong, Altavas, Aklan. Nakilala ang biktima na si Reynaldo Amador, 47 anyos at residente ng Poblacion, Batan. Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, na sakay ng motorsiklo ang biktima papuntang Poblacion, Altavas na direksyon ng nawalan ito ng kontrol at bumangga sa pader. Dahil sa lakas ng pagka bangga ay nagtamo ng malalang pinsala sa ulo ang biktima at iba pang parte ng katawan. Kaagad itong dinala sa hospital, pero hindi na ito umabot ng buhay. Lumalabas din sa imbestigasyon na nasa impluwensiya ng alak ang biktima nang mangyari ang aksidente.
Facebook Comments