PROJECT ANGEL TREE, INILUNSAD SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Inilunsad sa lungsod ng Dagupan ang Project Angel Tree na programa ng Department of Labor and Employment o DOLE na may layong masugpo ang kaso ng Child Labor o mga batang manggagawa sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbuo ng mga taong susuporta sa naturang aktibidad na siyang makakatulong sa mga bata.
Sa Dagupan City, nasa humigit-kumulang isang daan at limampu o 150 na mga batang Dagupeño ang napamahagian ng mga snacks, prutas, gatas, hygiene kits na kanilang magagamit sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang mga pangangatawan, maging nakatanggap ng mga school supplies laan para magamit sa kanilang pag-aaral.

Pinangunahan naman ang nasabing programa ng ilang opisyales ng LGU Dagupan at ipinagpasalamat ito sa DOLE bilang pagtutok sa ilang isyung kinabibilangan ng mga bata. |ifmnews
Facebook Comments