PROJECT DANAS NA UKOL SA NATURAL DISASTERS, TINALAKAY NG LGU DAGUPAN

Tinalakay ng ilang kawani ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang Project Danas ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) na may layong makapagbigay ng karagdagang kaalaman ukol sa nangyayaring mga natural disasters o kalamidad.
Inaaral ang mga kaalamang sakop ng mga naturang kalamidad gayundin ang ilang kahandaan kaugnay dito.
Magbabahagi naman ang ahensya sa mga barangay councils sa lungsod upang maibaba ang nakuhang kaalamang sa kani-kanilang komunidad nang maging handa at alerto ang mga Dagupeño.

Samantala, ang nasabing proyekto ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng mga karanasan sa mga nagdaang kalamidad tulad na lamang ng 1990 na lindol. |ifmnews
Facebook Comments