Project Development Manager, Arestado sa Panggugulo!

Cauyan City,Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos itong manggulo at hamunin ang isa pang lalaki sa barangay Cabaruan, Cauayan City Isabela kahapon, Mayo 19, 2018.

Kinilala ang biktima na si Henson Jesus, 36 anyos at residente habang kinilala naman ang suspek na si John Mark Cagguanan, 33 anyos, isang Project Development Manager at mga pawang residente naman ng Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Cauayan, nakatanggap umano ang kanilang himpilan ng tawag na may nanggugulo sa naturang barangay kung saan ay agad namang nirespondehan ng kapulisan at doon ay nakita nila ang suspek na nanggugulo at naghahamon


Samantala, ng makita umano ni Cagguanan ang mga rumirespondeng pulis ay agad itong nagtangkang tumakbo palayo patungong hilagang direksyon ngunit agad din itong nahabol ng mga rumespondeng kapulisan.

Agad naman itong dinala sa himpilan ng kapulisan para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments